Frustrations

never again . . .

Friday, October 06, 2006

This Blog is Dead

At sinabi na ng paksa ang lahat. Hanapin nyo na lang ang bago ko.

Wednesday, November 02, 2005

ACM ICPC 2005

http://curry.ateneo.net/asia_mnl_05/final.html

Nakakapanghinayang at muntik na makuha ng alin mang koponan ng UPD ang ikatlong karangalan para sa pinakamahusay na local team.

Ang aking koponan:

27 UP Wet University of the Philippines - Diliman Philippines 2

Sayang at hindi tama ang huli kong pinasa na sya sanang makapagbibigay sa amin ng lugar sa pinakamahusay na local team. Ang lalong nakakapanghinayang ay tama ang ginawa ko para sa mga sample input.

Ngunit tapos na kaya bawi na lang sa uulitin.

Tuesday, November 01, 2005

The Legend Of Zorro

Pagkalipas ng mahabang panahon, ako ay muling nakapanood ng sine. Ang pelikula ay ang "The Legend of Zorro". Pansinin na sa pagpapahayag na kasapi na ang California sa USA ay kumpleto na ang bituin sa bandila ng USA. Kung totoo na ang mga bituin ay simbolo ng bawat estado, may maliit na pagkakamali ang pelikula sapagkat ang California ay ang ikatatlumpu't-isa. Samakatuwid, dapat ay tatlumpu't-isa lamang ang bituin sa bandila.

Thursday, October 27, 2005

Perl: Acronym ba o hindi?

Ayon sa http://www.philhosting.net/?menu=webhosting_faq,

What are PHP, ASP, perl, etc?
These are all programming languages which are referred to by their acronyms.

PHP - PHP: Hypertext Preprocessor
ASP - Active Server Pages
Perl - not an acronym

Each programming language has its own benefits and uses. It is best that you research on your own to find one that best fits your needs


Ngunit hindi ba ang ibig sabihin ng Perl ay Practical Extraction and Report Language?

Tuesday, October 25, 2005

Tama Na

Hindi na kita kukulitin. Hindi na kita kakausapin. Tama na ang maramot at mapaniil na hangarin.

Monday, October 24, 2005

Na Naman

Eto ako at muling susubukan buhayin ang blog. Nag-alis din ako ng ilang nakaraang posts sapagkat sa tingin ko ay hindi na sila kailangan.

Tuesday, June 21, 2005

Kathang-Isip

Tayo ay magkaibigan.

Natuklasan natin na marami tayong pagkakatulad ngunit kitang-kita ang ating pagkakaiba. Sadyang hindi pantay ang antas na ating ginagalawan at kahangalan na ang pagsubok ko na pagtuntong sa antas mo. Ang pagnanais ko na lagi kang makausap ay kasakiman sapagkat ang kaligayahan ay nasa isang bahagi lamang ng pagsasama. Ang pagkakaintindi at pagkakadama mo ng aking mga nararanasan ay hindi nangangahulugan na parati kang naririyan at handang tumulong anumang oras. Dapat ipaunawa sa akin na kahit ikaw pa lamang ang pinakanakakaintindi sa akin ay wala kang gaanong panahon para marinig ang aking mga saloobin. Tuwiran itong salungat sa iyong kalagayan sapagkat maraming tenga ang handang pakinggan ang iyong mga problema. Gayunpaman, wala akong karapatan at dapat matutong makuntento kung ano ang mga dumarating sa akin.

Ayokong makipaglaro sa mga pusa. Mas masarap ang nasasaktan sa pamamagitan ng pagtatago ng mga problema sa sarili.